The scribbler

My photo
I am a teenage mutant ninja turtle. Simple, witty, outgoing. Responsible, introvert, dressy. Ranidaphobic, choleric, asthmatic. Loves KPop, pandas, boys, and chocolates. Family and goal-oriented. Pianist, blogger, proud Iska. An eighteen-year-old imperfect young Filipina lass who's an expert in irony and sarcasm. Loves writing, eats a lot, cries easily and has a special talent with her pinky finger. Loves loving and being loved.

Thursday, March 11, 2010

ALL THiNGS COME TO AN END.

If there is one person I could associate with the words high school, love, closeness, relationship, and memories, the best choice could only be one, and that would me my ex-boyfriend. We met and knew each other when I transferred to their school and we became classmates. Actually ‘di ko pinapansin ung mga boys ng klase noon, I am more interested on the girls kase they’re so friendly and hospitable, sila yung unang nagaaproach since I am a transferee. We only noticed each other nung time na nagbreak kami ng ex ko that time, he tried to comfort me tapos manliligaw lang pala. Haha. Ang nakakainis lang kasi a month or so, I accepted na his panliligaw, (and that was December 6, 2008) (anyway I’m only 13 lang ata that time, wala pang isip! Haha XD) eh I hate pa nman girls na easy to get. Easy to get, I mean those who give themselves up to their suitors after days or weeks. Well, that doesn’t matter anyway. :)

I am very forgetful/ulyanin so I really can’t tell you everything that happened between us when we’re still together. Basta if I am not mistaken, we lasted for exactly 1 year , 7 months and 9 and a half days. Oh diba. Hehe. Habang nagkakaisip kami at tinubuan na ng kung anu-ano sa katawan, kami parin. He knows every inch of me, and so do I. Noon, lahat ng problema ko, sya at sya ang unang nilalapitan ko, I think naman ganun din sya sa akin. Gusto ko kasi yung relationship na laging nagtutulungan at nagdadamayan. We knew all the secrets of each other, walang hiyaan, walang naglilihim. In short, we’re very close, kaya open kami sa isa’t isa. Hehehe. We became very comfortable with each other, yung tipong parang twins na kami, not to mention LAGI pa kaming magkasama, take note, lagi. As in alwaaays. Kasi we enjoyed the company of each other. Our relationship was very ideal that time. Legal kami sa mom ko at sa dad nya, legal kami sa mata ng buong school, from the faculty, down to the teachers, cashiers, and janitors at sa mga malalapit naming kaibigan. Hindi ko na nga mabilang kung ilan na ang nakapagsabi sa’min na bagay daw kami at okay kami mgkasama, parang mag-asawa na daw kami kasi nakikita nila kung paano naming alagaan at mahalin yung isa’t-isa Pero syempre, marami muna kaming pinagdaanang hirap bago namin narating yung ganoong state. Nandyan yung kung anu-ano yung sinasabi tungkol sa amin, at nandyan din yung mga taong sinusubukan kung gaano ba kami katatag. Kinaya namin yun, pero minsan talaga sumusuko na ang isang tao kapag hindi na tama. Kung memories naman ang pag-uusapan, marami kami nyan! Yun yung mga bagay na hindi ko na yata makakalimutan kahit kailan despite my ulyaniness. Hehe. Dun tayo sa happy, ano kasi, parang tuwing kasama ko naman xa nun happy ako eh, kahit yung mga ginagawa namin monotonous. For example, kapag dismissal, maglalakad na kami nyan papuntang labasan, tapos pupunta kaming Mighty Mart, pag nandun na, paikot-ikot lang kami dun hangang magdilim na sa labas, tapos paglabas namin, ang laman lang ng hawak kong plastic eh isang VCut na blue at isang tubig kaya. Hehehe. Tapos uupo na kami sa Police Station (nung ginagawa pa lang), o kaya dun sa my mga halaman sa tapat ng bilyaran malapit sa Jolibee J. Kakain ako dun habang nagkekwentuhan kami, kung tatanungin mo naman ako bakit ako lang ung kumakain eh kasi, kapag inaalok ko ‘yun, tatanggi lang yun tapos sasabihin, “ba’t gustung-gusto mo yan? ang alat-alat nyan eh..” kaya yun. Hehehe. Pagkakain, pupunta na dun sa sakayan ng jeep para ihatid ako, (sa may traffic Light ata yun, sa may tindahan ng goto at adobong mani kung minsan, ahehe :p). Yun, palagi lang kaming ganun pero nageenjoy kami, kasi di naman sya nagreklamo kahit minsan eh. Hehe. Isa palang yun sa napakaraming happy memories e.. Di ko na lang po ikekwento yung sad, kasi happy mood ko ngayon eh, baka masira pa, hehe. Basta like other relationships, after the good and all of the happiness and memories, syempre, we also came to an end. We all know nman na bihira lang ang lasting na relationship nowadays, especially sa aming teens, right? Besides, we’re still very young. Marami pang chances and opportunities na mamee-meet hangga’t nabubuhay tayo. Tsaka hindi naman pwedeng lagi tayong masaya di ba? Our life has always its ups and downs. No matter how happy you are today, you can never be sure of what will happen tomorrow. It’s either you’ll stay that way or you’ll go the other way around. Nalungot ako noon, kasi aminado nman akong nasaktan ako dahil nag-break kami sa isang napakababaw na reason, tsaka hindi biro ang almost 2 years naming pinagsamahan nuh. Pero, all wounds heal. Pinalakas ko lang ang loob ko kahit kung minsan gusto ko ng sumuko. Actually I was about to give up, but my friends came to the rescue. Kaya I considered this a blessing, kasi marami akong natutunan dahil dito, I knew myself better, and most of all, dito ko na-prove kung sino talaga yung mga kaibigan kong totoo sa ‘kin, at kung sino yung mga plastic at pakitang-tao lang. Madali lang naman magmove-on, pwera na lang kung minahal mo talaga yung tao tsaka kung umasa kang kayo na talaga, tulad ng ginawa ko. Hehe. Bilib nga ko sa sarili ko e, bakit? Kasi hindi biro yung araw-araw mo silang nakikita at nakakasama ng new gf nya sa iisang room. Nandyan yung magbubulag-bulagan ka, at magbibingi-bingihan. Kunwari manhid ka, pero, sa totoo lang napaka-sensitive mo talaga, at nandyan yung mararamdaman mong unti-unting nadudurog yung puso mo sa sakit. Pero, lagi kong sinasabi at pinaniniwala ang sarili ko na I am a strong woman, at ‘di ako patitinag sa mga problemang nararanasan ko. Tsaka alam kong ginagawa ‘to ni God kasi may dahilan talaga. ‘Di ba? Soo.. That’s the story. Hehehe. Now, we are both happy na. as I’ve said nga, he has his new girlfriend na, and in fact today is their monthsary. At ako nman, I’m single not double. And I’m really focusing on my studies right now, ngayon pang malapit na kami mag-college; and on my so-called “music career”, hehehe. I am preparing ulit for the next recitals. Yun lang, that’s our story, and I hope I was able to inspire you after you have read this post.

Ciao! :)

No comments:

Post a Comment