October 16, 2010
11:24 PM
It has been about 29 ½ hours since I left the university for our sembreak. Finally! Natapos rin ang sem na ‘to. There were times na feeling ko ang bilis-bilis ng takbo ng mga araw, minsan naman parang inip at sawang-sawa na ’ko sa mga pinag-gagagawa ko sa UP. Haay. Anyways, ang mahalaga, sembreak na talaga, officially! Whew! :>



At this point in time, aside from weakness, fatigue and exhaustion, I also feel happy din naman, although may hint pa rin ako ng kaba at anxiety dahil di ko pa alam yung grades ko :) ANYWAYS... :)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
This semester cost me a lot of valuable things like time, money, and effort. But on the other hand, this sem already taught me a lot of things I never knew and used to ignore before.
So, siguro normal lang na mixture of emotions ang nararamdaman ko ngayon.
The subjects I took this sem undoubtedly stuffed my brain with tons and loads of new information. Lahat ng subjects siksik at nag-uumapaw sa kaalaman. Haha.
The subjects I took this sem undoubtedly stuffed my brain with tons and loads of new information. Lahat ng subjects siksik at nag-uumapaw sa kaalaman. Haha.
Sila rin yung dahilan ng aking sleepless nights, ‘eatless’ days, sama mo na rin yung bankrupt days.. pero huwag ka. Dito naman nahasa ang multitasking abilitiesko. Heeeyah!
Pero bukod sa mga natutunan ko from the books, and from my professors, masasabi kong mas marami pa rin ang naituro sa akin ng mga karanasan ko. My successes and failures indeed play/ed a very big part in this epic.
Ok. Due to the fact that I’m already having a hard time organizing my ideas here, I think I’ll just start leaving my messages for those who aided and supported me all throughout this semester. Yeeee. Eskayted :P
Yung mga makakabasa, especially those who’ll be mentioned here, maghanda na kayo ng pamunas ng luha nyo :> kahit basahan, GO! Hahaha biro lang >=)

Unang-una sa lahat, syempre, kay God.
Bro, sobrang thank You po dahil hindi Ninyo ako pinabayaan sa pagsstay ko ng isang sem sa elbi ha? Salamat po dahil tinulungan Nyo po akong iraos ang sem na ‘to, kahit na alam naman po nating dalawa lahat ng pinagdaanan ko para lang mairaos ‘to. Hehehe. Sana patuloy pa rin Ninyo ‘kong gagabayan sa mga succeeding years ko pa sa UP (hopefully) ha? Promise naman po gagawin ko yung part ko. Kailangan ko lang po talaga ng ‘moral support’ Niyo. Hehe. SALAMAT po. =)
Para naman sa family ko, di ko na pahahabain. Ganun din naman. Hehe. Salamat sa inyo kasi nandyan lang kayo, sinusuportahan ako, lalo na sa mga pagkakataong gusto ko nang iwanan ang malupit na mundong ‘to o kaya naman sa mga pagkakataong wala na akong makain sa dorm. Kayo lang naman ang tinatakbuhan ko, diba? SALAMAT. =)
Para naman sa magugulo (slash) maiingay kong roommates, apir muna tayo dyan! Hahaha. Una, magsosorry muna ko. Sorry kung minsan kwento ako ng kwento ng mga bagay na alam kong hindi nyo naman na gustong marinig pa. =) minsan kasi talagang malaman yung mga chika ko kaya di ko mashare sa diary ko sa sobrang detailed. Hahahaha. Sana lang wag kayong magsawang making sa ‘kin. (ay, nagsawa na nga pala kayo) hahaha jowk XD pero sa kabilang banda, gusto kong magpasalamat sa inyo kasi kayo yung mga nagging pinakaclose ko among others. Thank you kasi hinihintay nyo pa rin ako para sabay tayong kumain, tinutulungan nyo pa rin ako mamili ng isusuot ko minsan, pinapalakas ang loob pag bumabagsak na, at higit sa lahat, salamat dahil ako palagi yung naiiwan nyong gising sa kwarto, at nagpapatay ng ilaw. Haha jowk lang. Ang ‘dramaful’ ko ngayon. Tama na nga. Hihihihi. Basta eto lang. UNITED WE STAND, DIVIDED WE FALL. Yun yun eh. Mahal ko kayo, di nyo lang halata. Goodluck sa acads natin, at sa lovelife? Nyahaha joke lamang. SALAMAT. =)


Next naman, para dun sa lahat na lahat na ng naging friends ko sa elbi so far. Friends, I mean those who consider me as their friend as well. Haha.
Sa mga dormmates, unit-mates, wingmates at textmates, XD hahaha. Sa pakikisama nyo, SALAMAT. =)


Sa mga classmates (matumal man o hindi), at pati na rin sa super classmates, salamat sa inyo lalo na kapag nagtutulungan tayo about sa subjects natin. SALAMAT. =)


Sa blocmates (kalose man o hindi), salamat sa mga bonding. I’m looking forward to know each of you better on the years to come. SALAMAT. =)


At eto, by special request (JOKE!), pasasalamatan ko na rin yung tatlo ko pang naging kaibigan sa elbi. Actually, hindi ko alam kung friends na ba talaga dapat yung itawag ko sa kanila kasi teacher ko sila e, nakakahiya naman. Kaso ganun talaga eh, dahil kinoconsider ko na silang friends ngayong tapos na ang sem, gusto ko rin sanang iparating ang pasasalamat ko kay Sir Erick Dy, Sir Bryan Cubero, at syempre kay Sir Bryan Hernandez. Sa lahat ng naging prof/instructor ko ngaung 1st sem ng freshie year ko sa UPLB, sa inyo ako nakahugot ng maraming maraming lakas ng loob at inspirasyon. Tsaka kayo lang yung nagtreat sa akin na parang ‘tropa’ lang; pag kasama ko po ang kahit sino sa inyo, at ease lang ang feeling. =) Yuck ang corny noh? Kaso totoo po yun. Lahat ng advice nyo, sa maniwala man kayo o sa hindi, ay nakatulong po talaga ng marami para pagbutihin ko pa lalo lahat ng bagay na ginagawa ko, lalung-lalo na sa acads. Sa advices at sa warm na pagtrato, SALAMAT po. =)






(Sorry niliitan ko talaga ang pictures.
Wala kasing permission 'to.
Psssh. Patay. >.<)
At para naman sa UPLB, salamat dahil hinayaan mo akong matikman ang tunay na lasa ng buhay kolehiyo. Dahil sa mga pagsubok na lalong nagpapalakas sakin. Dahil patuloy mo akong ginigising upang masilayan ang tunay na realidad ng buhay. SALAMAT. =)

At dahil inaantok na ako, tatapusin ko na dito. Hehehe.
S4hhL@mMatzx Powhz sa P4Gbab@saH HaaH?jEejEJeJ
Lagi lang nating tatandaan na ang mga problema ay para lang ding text message ng isang jejemonster --- mahirap ispelengin. Mahirap intindihin. Magulo. Masakit sa ulo. Nakakalurkey. Pero kapag inintindi mo ng mabuti, di mo mamamalayan, naiintindihan mo na pala, este nadedecode mo na pala. Hahahaha! XD
Cge ‘til here! :D
Ingat lang tayo palagi, Godbless us all! :D

(winner sa picture. LOL XD)
-- kit <3